National Intensification of Household Electrification (NIHE)
Published Date: Tuesday December 12, 2017 06:53 AM
Ang NIHE o National Intensification of Household Electrification ay isang proyekto ng national government na naglalayong mapailawan ang lahat ng mga bahay sa buong Pilipinas sa pakikipag-ugnayan ng Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA), Local Government Unit (LGU) at SOCOTECO II.
Batay sa datos mula sa Department of Energy noong taong 2015, sa Mindanao partikyular na sa South Cotabato kung saan ang SOCOTECO II ay nagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa mga nasasakupang lugar nito, mayroon pang 134, 338 ang wala pang linya ng kuryente.
Kaya naman isang malaking hakbang ng national government ang proyektong ito para maisakatuparan ang target nitong 90 porsyento ng mga kabahayan sa bansa.
Mga pamantayan sa Pagpili ng mga Benepisyaryo
Ang mga target na kabahayan ay dapat kinilala ng SOCOTECO II na kabilang sa Unserved Households (UHHs) sa loob ng franchise area nito.
Ang mga Unserved Households ay naaayon sa mga
Sumusunod na pamantayan:
- Ang pamamahay ay nakatayo malapit sa loob ng 30-meter allowable distance mula sa linya ng SOCOTECO II;
- Ang nasabing bahay ay gawa at yari sa mga indigenous materials.
- Ang Unserved Households (UHHs) ay kabilang sa 4P’s ng DSWD.
- Gayundin, kinukunsindera ng SOCOTECO II ang mga yunit ng tirahan sa mga Relocation Sites na gawa sa indigenous materials maliban lamang kung ang mga ito ay pinondohan ng NGO / LGU.
- Ang nasabing Unserved Households (UHHs) ay dapat sumunod at makapagsumite ng mga requirements para sa new service connection (Halimbawa: Proof of Ownership, LGU Permits)
Mga kwalipikadong units/tirahan para sa NIHE Project
Pangunahing benepisyaryo ng programang ito ang mga kabahayan na bagaman malapit sa distribution facilities ay di pa rin kayang makapagpakunekta ng kuryente sa dahilang pinansyal. Target din ng programa ang mga illegal o series connection na mahigpit na ipinagbabawal ng Batas Republika No. 7832.
Paraan ng Pag-aplay sa NIHE Program
Ang mga nasabing kwalipikadong benepisyaryo ay kailangang makipag-ugnayan sa nasasakupang Barangay o City Housing Office (General Santos City). Naglaan ng pondong Php 3,750 bawat household para sa labor at sumusunod na mga materyales:
- Safety switch (1 set)
- Receptable (2pcs.)
- CFL Bulb 15 Watts (2pcs)
- Tumbler Switch (2pcs)
- Convenient outlet 2 gang (1set)
- #8 THW Copper wire (5mtrs)
- PDX #12 (10mtrs)
- PDX #14 (10mtrs)
- Electrical tape Big (1pc)
- Staple wire (30pcs)
- BX wire empty (1mtr)
- Entrance cap (38 set)
- Screw insulator (1pc)
- PVC clamp (3pcs)
- Epoxy (5 lots)
- Junction Box Plastic Tyoe (2pcs)
- Labor Cost (installation cost)
Libre ding ipinagkakaloob ng SOCOTECO II ang electric meter at 30-meters service drop wire para sa mga residential applicants.
Bagaman may nakalaang Php 3,750.00 sa bawat household galing sa national government, kailangang magbayad ng minimal na halagang Php 105.00 para sa SOCOTECO II service fee at membership fee. Maaari ring may mga bayarin para sa kinakailangang permits o iba pang dokumento galing sa local government units.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa NIHE, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na SOCOTECO II Office o tumawag sa telepono numero 553 - 5848 hanggang 50, local 133.