Streetlighting Ceremony, ginanap
Isang maliwanag at mas ligtas na lungsod ng Heneral Santos.
Naging matagumpay ang isinagawang “Streetlighting Ceremony” ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Heneral Santos sa pakikiisa ng SOCOTECO II sa programa nitong “OPLAN Pailaw” sa mga pangunahing lansangan at daan papasok ng lungsod.
Nitong Pebrero 9, 2018 ay pinangunahan ni City Mayor Ronnel C. Rivera ang ceremonial switch on ng mga streetlights sa kalye ng P. Acharon Blvd. at Pioneer Avenue, GSC. Sa kasunod na araw (Pebrero 10, 2018) ay ang pagpapailaw ng national highway sa Brgy. Batomelong, General Santos City.
Isa sa mga layunin ng programang ito ay ang pagbibigay ng mas ligtas sa anumang uri ng krimen at maliwanag na lansangan lalo na sa mga mag-aaral at mga establisyementong nakapalibot dito.
“A well-lighted place is often associated with progress, public safety and economic progress. In fact, a well-lighted place has far reaching effects in so many facets”, ayon pa kay Vice Mayor Shirlyn Bañas- Nograles na nagbigay ng pambungad ng pananalita sa nasabing aktibidad.
Dumalo sa dalawang araw na aktibidad na iyon sina Engr. Jefferson Pia, OIC Manager ng Central Business Unit at Engr. Ronald Labra, Technical Staff ng East Business Unit bilang representante ng kooperatiba. Nagpabatid sila ng pasasalamat sa lokal na pamahalan ng Heneral Santos, lalo na sa office of the City Mayor sa pagkakataong makibahagi ang SOCOTECO II sa ganitong nakapakalaking proyekto na ang pangunahing benepisyaryo nito ay mga miyembro-konsumante rin ng SOCOTECO II.
Ayon pa kay City Mayor, Ronnel C. Rivera, ang mga pangunahing daanan papasok sa lungsod katulad ng Batomelong, Apopong at Bawing ay kumpleto na ng streetlights. Isa rin sa mga pinaplano nilang proyekto ngayong taon ay ang pag-uupgrade ng mga traffic lights at paglalagay ng CCTV Cameras.
Nagsimula ang programang “Oplan Pailaw” noong 2013 at isa sa mga miyembro ng Technical Working Group ng nasabing programa ay si Engr. Crisanto C. Sotelo, General Manager ng SOCOTECO II kasama ang DPWH at City Engineer's Office. Mapag-alamang isa ang SOCOTECO II sa mga active partner ng lokal na pamahalaan ng Heneral Santos sa lahat ng mga programa nito at sa pagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa mga nasasakupan nito.