Orientation ng Senior High Students, isinagawa
January 30, 2018 – Nagsagawa ng orientation ang kooperatiba sa mga mag-aaral ng Glan School of Arts and Trade kaugnay ng kanilang work immersion program sa SOCOTECO II Main Office, General Santos City.
Labin-limang mag-aaral na may kursong Electrical and Installation Maintenance ang itatalaga sa SOCOTECO II Glan Sub-office para sa kanilang “on the job exposure” sa loob ng sampung araw o katumbas ng 80 na oras.
Si Ms. Marieta G. Carcillar, People Development Officer ng SOCOTECO II ang nagbigay ng mga importanteng impormasyon at mga polisiya na dapat sundin ng mga mag-aaral habang sila ay nagsasagawa ng kanilang mga gawain na ibibigay ng kanilang supervisor.
Ang SOCOTECO II ay isa sa mga “active partner” ng Department of Education sa pagpapatupad ng K to 12 program nito.