Medical Mission sa Distrito ng Kiamba, isinagawa
Medical Mission sa Distrito ng Kiamba, isinagawa
Umabot sa 350 pasyente ang nakatanggap ng libreng serbisyong medical mula sa SOCOTECO II sa isinagawa nitong Medical Mission ngayong araw, February 11, 2019 sa Municipal Plaza ng Kiamba, Sarangani Province.
Ang aktibidad na ito ay sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Kiamba at pinangunahan ni District Director Mari Jess Ancheta. Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang ng SOCOTECO II sa kanyang ika -42 anibersaryo ngayong darating na May 7, 2019 at Annual General Membership Assembly na isasagawa sa mga huling buwan ng taon.
Photo: AJP Bartolome, Babes Tamine