MCEP Orientation, sinimulan sa Munisipyo ng Tupi
Sampung (10) barangay ng Munisipyo ng Tupi, South Cotabato ang unang pinuntahan ng SOCOTECO II Team para isagawa ang Member-Consumers Empowerment Program Orientation noong Marso 19-23, 2018.
Ang munisipyo ng Tupi, South Cotabato ang napiling pilot municipality ng SOCOTECO II para isagawa ang nasabing orientation sa lahat ng mga barangay na sakop ng kooperatiba. Isinagawa ito sa mga sumusunod na Barangay:
1. Barangay Palian
2. Barangay Crossing Rubber
3. Barangay Lunen
4. Barangay Kalkam
5. Barangay Linan
6. Barangay Bolomala
7. Barangay Cebuano
8. Barangay Acmonan
9. Barangay Simbo
10. Barangay Kablon
Isa sa mga naging speaker sa aktibidad na iyon ay si Mr. Urbano “Tatay Bong” Talibong na ang pangunahing layunin ay ang mapaalam sa mga member-consumers ng mga barangay ang estado ng kooperatiba, mga aktibidad na kasali sa operasyon ng kooperatiba at ang mga paraan kung anu-ano ang maiaambag ng mga member-consumers para maprotektahan ang kooperatiba. Hinihingi rin niya ang lubos na pagsuporta ng mga miyembro sa lahat ng mga nakalatag na mga aktibidad ng kooperatiba para mas lalo pang tumibay at tumatag ang relasyon ng SOCOTECO II at ng mga miyembro nito.
Naroon sa mga isinagawang orientation ang Board President ng Tupi District na si Mr. Octavio M. Claudio para suportahan ang aktibidad. Nagkaroon ng mga trivia questions at raffle of prizes para sa mga dumalong miyembro. Isinagawa rin ang eleksyon ng mga sectoral officers sa bawat barangay at ang mga miyembro ng Executive Committee (EXECOM) para mag representa ng kani-kanilang barangay.
Naging matagumpay ang nasabing orientation sa tulong at suporta ng mga opisyales ng mga barangay at ng mga miyembro nito. Mayroon pang mga barangay ang pupuntahan ng SOCOTECO II team para magsagawa ng katulad na aktibidad.