COMMUNITY-BASED DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT TRAINING, ISINAGAWA
"KATATAGAN SA KALAMIDAD ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan”.
Ito ang paksa ng taunang pagdiriwang ng “National Disaster Resilience Month” sa buwan ng Hulyo 2018 at bilang pakikiisa sa pagdiriwang nito ay nagsagawa ng dalawang araw na Community-Based Disaster Risk Reduction Management Seminar/Workshop ang SOCOTECO II noong July 9-10, 2018 sa Barangay Baliton, Glan, Sarangani Province.
Naging matagumpay ang isinagawang pagsasanay kung saan ito ay dinaluhan ng mga member-consumers na mga representante ng Barangay Baliton, Barangay Sufatubo, Barangay Burias, Barangay Cablalan at mga guro ng Baliton Elementary School at Baliton National High School.
Pangunahing layunin ng nasabing pagsasanay ay ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang komunidad tungkol sa mga kalamidad na kanilang naranasan na at posibleng maranasan pa gayundin ang tulungan silang maging handa sa lindol, sunog, pagbaha, tsunami, storm surge at ipa pang kauri nito.
Nagbigay ng mga lektura at workshop activities ang mga facilitators mula pa sa mga kawani ng gobyerno at mga pribadong organisasyon kaugnay sa mga uri ng mga sakuna at paano ito paghandaan at ano ang dapat gawin ng ibat ibang sektor ng komunidad. Sila ay sina Ms. Jennifer Sabyanan at Fred Dalumpines mula sa Aboitiz Foundation, Ms. Kaye Rosario at Mr. Adonis Manzan mula sa Weather Philippines, Ms. Nikki Cadiz mula sa UP – NOAH, Ms. Jiselle Juabot mula sa Aboitiz Power at Ms. Joan Salcedo mula sa Phivolcs. Ibinahagi rin nila ang kanilang kaalaman sa pagpapatibay ng komitiba sa pag responde sa anumang uri ng kalamidad at ang pagkakaroon ng mas organisadong disaster plan sa bawat barangay.
Matatandaan nitong July 3, 2018 ay nakaranas na magnitude 5.7 na lindol ang munisipyo ng Glan, Sarangani Province.