PABATID SA PUBLIKO – ACCREDITED ELECTRICIANS NG SOCOTECO II
Sa lahat ng mga aplikante ng kuryente:
Bilang gabay sa pagpapakabit ng kuryente, narito ang mga mahahalagang impormasyon na dapat nating malaman:
1. Ang mga akreditadong elektrisyan ay may malawak at maayos na kaalaman sa mga pamantayang ipinapatupad ng SOCOTECO II kaugnay sa pagpapakabit ng linya ng kuryente. Gayunpaman, SILA AY HINDI EMPLEYADO NG SOCOTECO II. (Pakitingnan ang larawan)
2. Ang lahat na mga transaksyon sa pagitan ng aplikante at elektrisyan ay itinuturing na PERSONAL NA TRANSAKSYON.
3. Ang mga aplikante ng kuryente ay MAAARI PA RING KUMUHA NG DI-AKREDITADONG ELEKTRISYAN batay sa kanyang pansariling desisyon at maging responsable sa resulta nito, MALIBAN SA MGA PROGRAMA NG GOBYERNO NA IPINAPATUPAD NG SOCOTECO II gaya ng Sitio Electrification Program (SEP), Nationwide Intensification of Household Electrification (NIHE), Solar PV at Reinvestment Fund.
4. Ang akdreditasyon sa mga elektrisyan ay mapapailalim sa pag-renew tuwing ANIM NA BUWAN. Mangyaring suriin ang bisa ng akreditasyon bago makipag-transaksyon.
Para sa karagdagang katanungan at impormasyon, maaaring tumawag sa 553-5848 hanggang 50 o bumisita sa opisina ng SOCOTECO II (Main Office) ISD Department.
Maraming Salamat.