Binisita ng SOCOTECO II ang ating mga lolo at lola ng St. Vincent Strambi Home for the Aged noong December 27, 2017 upang makapagbigay ng kasiyahan at ipadama sa kanila ang tunay na diwa ng kapaskuhan.
Ang aktibidad na ito ay sa pangunguna ng OSD Multi-Purpose Cooperative na nag-organisa ng feeding program activity at gift-giving sa mga mahal nating matatanda.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng nasabing institusyon sa OSD Multi-Purpose Cooperative at SOCOTECO dahil muling binisita at binigyan ng ngiti sa mga labi ang mga inaalagaan nitong lolo at lola. Bawat taon ay nagsasagawa ang OSD Multi-Purpose Cooperative ng ganitong mga aktibidad.
Ang OSD Mutli-Purpose Cooperative ay isang kooperatiba ng mga empleyado ng SOCOTECO II.