Power Advisory! – 01/02/2020
Iilang feeders ng SOCOTECO II ay nag automatically tripped off dahil sa masamang panahon. Base sa mga natanggap na ulat, may mga linyang nabagsakan ng coconut frond (palwa ng niyog), mga sanga ng kahoy, nakasayad na kawayan at iba pang trouble sa linya.
Sinisiguro ng ating maintenance team na maalis agad ang mga ito upang maibalik ang kuryente sa kabila ang patuloy na pag ulan at masungit na panahon.
Hinihingi namin ang inyong pag unawa dahil maaaring di kaagad maibalik ang kuryente dahil isinasaalang alang din ng kooperatiba ang kaligtasan ng ating mga lineman.
Kung nakakaranas kayo ng power interruption ngayon, mangyaring tumawag at ireport kaagad ito sa 09177205365.
Maraming salamat po.