Pagbigay ng mga gamot bilang donasyon ang naging bahagi ng SOCOTECO II sa isinagawang Medical at Dental Activity ng Bula Parish Economic Council noong January 7, 2018 sa Bula Parish Compound, Brgy. Bula, General Santos City. Ang nasabing aktibidad ay kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño ng barangay na nag umpisa noong January 6 at magtatapos sa January 15.
Pinangunahan ni Mr. Marfenio Y. Tan, AFP(Res) at 2018 Patronal Fiesta Director ang pagbibigay ng libreng dental at medical ng konsultasyon sa mga residente ng barangay na mga member-consumers din ng SOCOTECO II.
Nagsagawa din libreng gupit, feeding program activity at dental awareness sa araw na iyon.