Ang diwa ng pasko ay ang pagmamahalan at pagbibigayan kaya naman ang SOCOTECO II ay hindi lamang nagkakaloob ng mga benepisyo sa mga direktang member-consumers nito maging sa mga institusyon na nangangailangan ng supporta.
Noong December 9, 2017, kasabay ng pagdiriwang ng Family Day ng SOCOTECO II ay ang pagkakaloob ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 bawat inimbitahang institusyon mula sa Maria Goretti Home for Girls, St. Gemma Galgani's Home for Children, Marcellin Foundation, Inc., at St. Agnes Muntepulciano Children's Home.
Maliban sa tulong pinasyal mula sa kooperatiba ay ang pagbibigay ng mga empleyado ng halaga mula sa kanilang mga puso para sa mga nasabing institusyon. Nakatanggap din ang mga bisitang kabataan ng kaniya-kaniyang hygiene kit.
Nagbigay nag kanya-kanyang presentasyon ang bawat institusyon sa pamamagitan ng sayaw at awit bilang pasasalamat nila sa kooperatiba.