Bago matapos ang taong 2017, nagsagawa ng pang-ikatlong free clinic/medical mission ang SOCOTECO II noong Disyembre 14, 2017 sa Prk. De Castro, Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato, kasabay ng nasabing free clinic/medical mission ay ang libreng gupit, libreng masahe at feeding program activity.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad na nakapagsilbi ng 150 katao para sa libreng konsultasyon at gamot at snacks (arrozcaldo at burger), 60 katao para sa libreng gupit at 40 katao para sa libreng masahe.
Ngayong taon ay nakapagsagawa rin ang SOCOTECO II ng free medical and dental at feeding program activities noong Mayo 24, 2017 sa Purok Pag-Asa, Alabel, Saranggani Province at noong Oktubre 14, 2017 kasabay ng pagsasagawa ng 36th AGMA sa Lagao Gym, General Santos City.