Lineman training, matagumpay na nagtapos
Matagumpay na nagtapos ang isinagawang Power Distribution System Lineman Enhancement Training na ginanap noong Nobyembre 20-24, 2017 sa Family Country Hotel and Convention Center, General Santos City.
Nasa 65 empleyado na binubuo ng lineman at technical staff ang nagtapos sa nasabing pagsasanay. Layunin ng pagsasanay ang mapalawak pa ang kalaaman ng mga lineman ng SOCOTECO II kaugnay ng kanilang trabaho bilang isa mga pangunahing personahe sa pagbibigay ng maayos na serbisyo ng kuryente sa mga nasasakupan ng kooperatiba.
Sina Engr. Felipe B. Radin, Master Trainer on Electric Distribution System at Engr. Dairic B. Pallogan, Assistant Trainer ang nagsilbing tagapasanay sa nasabing limang araw na training na nagmula pa sa tanggapan ng National Electrification Administration (NEA) – ang ahensyang namamahala sa mga kooperatiba sa buong bansa.
“Isa itong malaking hakbang para makapaghatid tayo ng maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente sa ating nasasakupan”, pahayag ni Engr. Crisanto C. Sotelo, General Manager ng SOCOTECO II.