MCO Congress ng SOCOTECO II, matagumpay na idinaos
Nagtipon-tipon noong December 22, 2018 ang mga MCO Leaders ng SOCOTECO II para isagawa ang kauna-unahang MCO congress ng kooperatiba. Ito ay ginanap sa Roadhaus Convention Center, Dad. Heights, General Santos City.
Naging panauhing pandangal si NEA Administrator Edgardo Rama Masongsong sa nasabing aktibidad. Inilatag nya sa mga MCO ang kasalukuyang hamon sa mga electric cooperative sa buong bansa at hinakayat na magsama sama na tulungang protektahan ang kooperatiba.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Mr. Florgene Sumintan, Executive Director ng One EC Network, Mr. Juanchio Chiong, Executive Director ng NCECCO at Mr. Guillermo Paz, Chief ng Consumer Development and Protection Desk ng NEA. Ipinakilala rin sa madla ang RECOBODA na kaagapay ng mga MCO na syang tutulong na protesyonan ang kooperatiba sa banda ng posibleng pagbili ng mga pribadong negosyante.
Nanumpa rin sa nasabing aktibidad ang mga bagong inihalal na mga opisyales ng MSEAC at NCECCO.
Nagtapos ang nasabing pagtitipon sa pamamagitang ng raffle of prizes kung saan dalawang taga Gensan ang nanalo ng tig iisang brandnew Honda XR150 bilang major prize.
###