SOCOTECO II, kampeon sa 2018 SEMECA/CEMRECA SPORTSFEST
Itinanghal bilang pangkalahatang kampeon ang SOCOTECO II sa ginanap na 2018 SEMECA/CEMRECA Sportfest noong Oktubre 19-21, 2018 sa Digos City.
Ang nasabing palakasan ay nilahukan ng walong electric cooperatives mula sa rehiyon 11 at 12 na COTELCO – PPALMA, COTELCO (COTABATO ELECTRIC COOPERATIVE), DASURECO (Davao Del Sur Electric Cooperative), DANECO (Davao Del Norte Electric Cooperative), DORECO (Davao Oriental Electric Cooperative), SUKELCO (Sultan Kudarat Electric Cooperative), SOCOTECO I (South Cotabato I Electric Cooperative) at ng SOCOTECO II (South Cotabato II Electric Cooperative).
Nanguna ang SOCOTECO II mula sa pinagsamang puntos na umbaot ng 415 total points mula sa mga event na:
1. Dart (Single Men) – Champion
2. Dart (Mixed Doubles) – Champion
3. Volleyball Men – Champion
4. Badminton (Mixed Doubles) - Champion
5. Foreign Dance – 1st Runner Up
6. Bowling Men – 1st Runner Up
7. Bowling Women – 1st Runner Up
8. Game of Generals – 1st Runner Up
9. Scrabble – 1st Runner Up
10. Basketball – 2nd Runner Up
11. Chess – 2nd Runner Up
12. Word Factory – 2nd Runner Up
13. Badminton (Men Doubles) – 2nd Runner Up
14. Table Tennis – 4th Place
15. Volleyball Women – 4th Place
16. Dama – 6th Place
17. Linemen Rodeo – 6th Place
Sumunod sa ranking ang SOCOTECO 1 na may kabuuang puntos na 408 (1st Runner Up) at sinundan naman ito ng SUKELCO na may kabuuang puntos na 397 (2nd Runner Up).
Samantala, naiuwi rin ng SOCOTECO II ang “Best in Pasundayag” award na nirepresenta ang bansang Hawaii sa isinagawang Socio-Cultural Night na bahagi ng pagbubukas ng nasabing palaro.
Ang SEMECA at CEMRECA ay mga asosasyon ng mga electric cooperatives sa rehiyon 11 at 12 na namamahala sa pagsasagawa ng Intercoop Sportfest kada dalawang taon. ###